-- Advertisements --

Pinangunahan ng HELLO Group na isang Charity Group sa Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan ang isang COMMUNITY SERVICE na kung tawagin ay “The Application Process for National ID”.

Kasama ang mga empleyado ng Philippine Identification System o PhilSys ay ginanap noong October 4 to 7, 2021 ang Application Process sa nasabing Barangay.

244432440 186868756916777 9175710672062426696 n
ID2
Barangay Capataan national ID processing

Ito ay pinangunahan ni Marlon De Guzman na isang OFW sa Hong Kong bilang kanyang adhikain na sa pamamagitan ng paglapit ng PhilSys sa kanilang Barangay ay makaka kuha lahat ng National ID lalo na at pabor ito sa mga residente na hindi marunong mag online appointment at mga may edad na, na halos hindi makapunta sa Bayan para magpa schedule dahil sa Pandemya.

Ang matagumpay na community service ay maayos na naganap sa pakikipagtulongan na din ng kanilang Barangay Captain na si Rodel Pamintuan kasama ang mga BHW’s at Barangay Tanod na nagbantay at nagpairal ng IATF Protocols againts covid19.

Sabi pa ni Marlon De Guzman na sa pamamagitan ng National ID, we can strengthens the identity of each individual to a more productive citizen of the Philippines in our community.