LA UNION – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Act providing for a comprehensive law on firearms and ammunition at RA 9516 o Presidential Decree 1866 on illegal possession of firearms and explosives ang isang punong barangay sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakilala ang suspek na si Brgy. Captain Crisanto Simos, 65, may asawa, residente ng Barangay San Pedro West, Rosales, Pangasinan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union kay Police Regional Director Pol. Brig. Gen. Joel Sabio Ordinia ng Police Regional Office Region 1 (PRO-1), nagsagawa ng search warrant operation ang pinagsamang puwersa ng Crimininal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit 1; Rosales PNP; CIDG Urdaneta at CIDG Rosales laban sa suspek.
Kabilang sa nakumpiska ng mga otoridad ang isang unit ng cal. 45; isang home made cal. 38; 46 piraso ng bala ng 9mm; 43 piraso ng bala ng cal. 38; 26 piraso ng bala ng 12 gauge shotgun; 15 pirasong bala ng cal. 45; isang bala ng M16; isang M203 granade; isang bala para sa short magazine ng 12 gauge shogun; dalawang piraso ng magazine ng cal. 45, holster at camouflage at dalawang black sling bag.
Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng CIDG Urdaneta ang suspek habang hinihintay ang resolusyon ng korte sa laban sa suspek.
Ang pagkakahuli kay Simos at dahil pa rin sa mahigpit na kampanya ng PNP laban sa loose frie arms.