-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nanumpa bilang bagong Punong Barangay si Dennis Mantawil ng Brgy. Salapungan Kabacan Cotabato bilang kapalit ng yumaong Kapitan na si Datu Masla Mantawil.

Ito ay ginanap sa opisina ng alkalde at mismong si Cotabato Governor Nancy Catamco ang nanguna sa panunumpa.

Sinaksihan naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ng mga kapamilya at kaibigan ng bagong kapitan ang nasabing aktibidad.

Kaugnay nito, nanumpa rin ang bagong kagawad ng Salapungan na si Rannie Lou Caspillan na pumalit sa yumaong Brgy. Kagawad na si Sixto R. Caspillan, Jr.

Kasabay ng pakikiramay sa yumaong Punong Barangay Datu Masla Mantawil ay siya namang pagbati sa mga bagong hirang na mga lideres ng Barangay Salapungan ang iniabot ni Gov. Catamco.

Hinikayat naman ni Mayor Guzman ang mga opisyales na itinalaga na makiisa at makipagtulungan sa pagpapairal ng mga kautusan na ikakabuti ng bayan.