-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril ng dalawang opisyal ng Barangay alas 7:10 nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina Amil Sula,Barangay Kapitan ng Barangay Rosary Heights 5, at Abner Ampuan, dating Brgy kagawad.

Ayon sa ulat ng pulisya na nagsasambayan o nagdarasal ang mga biktima sa loob ng mosque sa bahagi ng Second Street, Barangay Rosary Heights 5 ng lungsod ng itoy lapitan ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Agad dinala ang mga biktima sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa mga biktima.