Sunud-sunod ang pagsuko ng mga loose firearms sa mga tropa ng Philippine Marines sa probinsiya ng Tawi-Tawi.
Ito ay dahil sa pinalakas pa ng Joint Task Force Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade ang kanilang kampanya laban sa loose firearms lalo at nalalapit na ang 2022 national elections na posibleng gamitin ng ilang mga unscrupolous politician.
Ayon kay JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade Commander Col. Romeo Racadio,kabilang ang isang barangay chairman sa pitong indibidwal ang nagdesiyong isuko ang kaniyang hindi lisensiyadong armas.
Sinabi ni Racadio, ang mga tropa mula sa Marine Battalion Landing Team-12 (MBLT-12) ang siyang nag facilitate sa mass surrender ng mg loose firearms.
Personal na tinanggap ni Col. Racadio kasama ang mga local government official ng Sitangkai sa pangunguna ni Hon. Tablan Ahaja, represented ng kaniyang Municipal Administrator na si Hji Julpin Sajili.
Kinilala ni Racadio ang chairman na si Hasim Palmata ng Barangay North Larap na nagdesisyong isuko ang kaniyang armas na isang M1 Garand rifle.
Habang ang anim pang iba ay ang mga sumusunod: Nasil Saradain, Hji. Rudy Madamin, Rene Dakman, Hadji Aldayang Daud Ablayan, Arwin Abduraji at Faisal Abdula na pawang mga residente ng Barangays Sipangkot, Tongusong at Poblacion.
Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas na isang Garand rifles, 1 M16A1 with 1 magazine and 30 rounds of ammunition, 1 carbine, 1 Garand Spring Field with 8 rounds of ammunitions at 1 Homemade Carbine with 1 magazine at 15 ammunitions.
Binigyang-diin ni Racadio na ang nasabing accomplishments ay patunay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng mga residente ng Sitangkai sa militar dahil nararamadaman nilang secured sila sa presensiya ng mga ito sa kanilang lugar.
Siniguro ng opisyal na lalo pang palalakasin ng 2nd Marine Brigade ang kanilang kampanya laban sa loose firearms.
Naka pokus din ang militar sa Tawi-Tawi sa kanilang kampanya laban sa terorismo.