-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinuli ng mga otoridad ang isang punong barangay na suspek sa pamamaril patay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Bernardo Azucena Barangay Chairman ng Brgy Magcaalam Magpet North Cotabato.

Nabaril patay ni Azucena si Reneboy Nailes,35 anyos,may asawa at residente din sa Brgy Magcaalam sa bayan ng Magpet.

Ayon kay Magpet Chief Police Major Bryan Espinosa, rumesponde anya si Kapitan matapos makatanggap ng ulat na nagwawala ang biktima at lango pa sa nakakalasing na inumin.

Tinangka anyang tagain ng biktima gamit ang bolo si Kapitan Azucena dahilan din para barilin nito si Nailes.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Inihayag naman ni Kapitan Azucena na self defense lamang ang kanyang ginawa.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya sa sinapit nito sa kamay ni Kapitan Azucena.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Magpet PNP si Kapitan at naisampa na rin sa korte ang kasong pagpatay.