-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Rido o personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang opisyal ng Barangay sa Cotabato City

Nakilala ang biktima na si Barangay Kalanganan 1 Cotabato City Barangay Kapitan Danny “Dan”Darping.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang nagka-carwash ang biktima sa kanyang pick-up di kalayuan sa kanyang bahay sa Block 7 Notre Dame Village Barangay Rosary Height 8 sa lungsod ay bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng town proper.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Rommel Javier sa pamamaril patay sa biktima.