-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isang mataas na uri ng armas ang isinuko ng isang lider ng Barangay sa lalawigan ng Maguindanao.

Tinurn-over mismo ni Barangay Bulit Barangay Chairman Ali Toto Simbuangan kay Datu Montawal Chief of Police Lieutenant Nurjhasier Sali ang isang Homemade M79 grenade launcher walang serial number at walang bala.

Sinabi ni Kapitan Simbuangan na isinuko sa kanya ng isang alyas Roldan na residente ng Barangay Bulit ang di lisensyadong armas o loose firearms.

Unang nanawagan si Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal sa mga residente ng bayan o mga grupo na may hawak na loose firearms na isuko na sa mga awtoridad.

Ang pinaigting na kampanya kontro loose firearms sa bayan ng Datu Montawal ay sama-samang pagtutulungan ng LGU,BLGU,Datu Montawal MPS at militar.

Samantala sa katatapos na Municipal Peace and Order Council Meeting kinomperma ng militar at pulisya na bumaba ang krimen sa bayan ng Datu Montawal.

Nakatutok ngayon ang LGU sa Covid 19 at pagtulong sa mga sinalanta ng baha.