CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lider ng Barangay sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Badawi Kusain, Barangay Chairman ng Brgy Ambadao Datu Piang Maguindanao.
Sugatan naman ang pamangkin ni Kusain na si Rasul Sindi.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na lulan ang mga biktima sa isang Vannet Van kagagaling lamang na dumalo sa kasal ng kanilang kamag-anak sa bayan ng Shariff Aguak Maguindanao.
Papauwi na ang mga biktima sa kanilang tahanan ngunit pagsapit nila sa roundball ng Barangay Poblacion Mother Shariff Aguak Maguindanao ay doon na ito pinagbabaril ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Shariff Aguak.
Patay on the spot si Kapitan Kusain nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang naisugod naman sa pagamutan ang kanyang pamangkin.
Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan