-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananambang-patay sa isang barangay official at asawa nito sa Parang, Maguindanao del norte.

Ito ang inihayag ni PMaj. Christopher Cabugwang, Chief of Police ng Parang MPS, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang mga biktima na sina Abdul Malik “Loy” Uban, First Barangay Councilor ng Polloc, Parang, Maguindanao at asawa nitong si Salma Uban.

Ayon kay Cabugwang, sakay ang mag-asawang Uban ng kanilang sasakyan nang biglang nilapitan ito ng dalawang kalalakihan at tinambangan ang mga ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan si kagawad Uban na naging dahilan ng anyang agarang pagkamatay. Samanrala, naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ang kanyang asawa ngunit binawian din ng buhay dahil sa kanyang kritikal na kondisyon.

Nakuhanan naman ng CCTV footage ang pangyayari kung saan makikita na isang lalaki ang lumapit sa kanilang sasakyan at pinaputukan ng makailang beses na sinundan naman ng isa pang lalaki saka tumakas matapos gawin ng krimen.

Patungo umano sa direksyon ng Talisay, Parang, Maguindanao Del Norte ang mga suspek na inaalam pa ang identity sa ngayon.

Nakasuot ng sombrero at facemask ang mga gunman dahilan na hindi agad makikilala.

Pulitika o away pamilya ang mga anggulong tintitingnan ng kapulisan sa nangyaring insidente at sa katunayan, mga persons of interest na ang mga ito.

Sa ngayon, ipinasiguro naman ng Parang PNP na hindi na maulit pa ang pangyayari sa kabila ng pagpapatuloy ng Ramadhan ng mga kapatid na Muslim sa kanilang lugar.