CEBU – Arestado ang isang 50-anyos na konsehal ng Barangay Mainit sa Naga City, Cebu matapos matagpuan ang ilegal na droga sa kanyang tirahan sa pamamagitan ng search warrant kahapon ng hapon, Agosto 23, 2022.
Ayon kay Police Col. Junnel Cadlawn, hepe ng Naga City Police Station, na ito ay magkasanib na pagsisikap ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7), kung saan ang nakalap nilang impormasyon mula sa komunidad hinggil sa iligal na paggalaw ng suspek.
Ito ay matapos itong maipasa sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) para sa kaukulang aksyon.
Kinilala ang suspek na si Renante Chiong, 50, incumbent Barangay Mainit councilor.
Habang sa panig ng suspek, umamin ang barangay kagawad na gumagamit ng iligal na droga ngunit itinanggi na pag-aari niya ang lahat ng plastic sachet ng ‘shabu’ na nasabat sa kanyang tirahan.
Idinagdag niya na wala siyang ideya sa pagkakaroon ng iligal na droga sa loob ng kanyang bahay at naghinala na ‘pinlano’ ang pag-aresto sa kanya.
Samtala, arestado sa buy bust operation ang isang pulis na hinihinalang High Value Individual (HVI) drug pusher sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Badian.
Kinilala ang suspek na si Patrolman Apollo Baisac Concepcion alyas “Apolo Concepcion”, 41-anyos, may asawa mula sa Brgy. Legaspi, bayan ng Alegria na isang aktibong pulis.
Gumamit ng P2,000 buy bust money ang drug poseur buyer kapalit ng isang medium size na bag ng shabu.
Nang arestuhin ang suspek, nakuha ng mga pulis ang 1 malaking pakete ng hinihinalang shabu.
Lahat ng shabu mo ay tumitimbang ng 20 gramo na may halagang SDP na P136K.
Kabilang sa mga narekober ay isang hand grenade.