-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Lima na ang nahuli habang isa pa ang hinahanap na suspek sa gang rape sa isang menor de edad.

Sinabi ni Major Patrich Elma, hepe ng Makar Police station na nagpatuloy ang paghahanap kay Jomar Maramara na residente ng Barangay Apopong sa lungsod matapos itinuro na sa bahay nito nangyari ang krimen.

Dumolog umano sa presinto ang biktima kasama sa kanyang pinsan at sinabi ang pangyayari.

Ayon kay Major Elma nagpakilala umano ang suspek na si Maramara na isang barangay tanod sa kaibigan ng biktima na isa ring menor de edad.

Inimbita umano ang dalawang babae at pinasakay sa sasakyan ng barangay at dinala sa bahay ng suspek at doon dumating ang mga limang lalaki dalawa sa mga ito ay menor de edad at pinilit na uminom ang biktima hanggang malasing at doon nangyari ang krimen.

Matapos nakapagsumbong ang biktima kaagad nirespondehan ng pulisya ang lugar at naabutan ang limang suspek .

Nalaman na anak ng dati barangay kagawad ang suspek kaya’t nakapasok sa barangay bilang driver.