-- Advertisements --

Pinuwersa ng Barangay Ginebra sa do-or-die games laban sa TNT Tropang Giga sa quarterfinals ng PBA Governors Cup.

Tinalo kasi ng Ginebra ang twice-to-beat TNT 104-92.

Mula sa umpisa ng laro ay hawak ng Ginebra ang kalamangan kung saan umabot pa sa 19 points sa second quarter.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 38 points at 12 rebounds habang mayroong 23 points at 15 rebounds si Scottie Thompson.

Sinabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na masyado pang maaga para magdiwang.