-- Advertisements --

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best of seven semifinals nila ng San Miguel Beermen 122-105 sa PBA 49th Season Governors’ Cup.

Nangibabaw sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 33 points habang mayroong 30 points, walong rebounds at apat na assists si Stephen Holt at 13 points naman ang naitala ni RJ Abarrientos sa laro na ginanap sa PhilSport Arena.

Sinabi ni Ginebra head coach Tim Cone na naging kumpiyansa sila sa first half kaya mas pinatindi nila ang paglalaro sa second half.

Nasayang naman ang nagawang 27 points, walong rebounds ni EJ Anosike habang 18 points ni Marcio Lassiter at 16 points , 16 rebounds naman ni June Mar Fajardo para sa Beermen.