-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang NorthPort 126-99 para tuluyang makapasok sa finals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup.
Mula sa simula ay hindi na pinalamang ng Ginebra ang Batang Pier para tapusin ang best-of-seven semifinals at makuha ang 4-1 na bentahe.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na mayroong 21 points habang mayroong tig-20 points sina RJ Abarrientos at Japeth Aguilar.
Makakaharap naman ng Barangay Ginebra ang TNT Tropang Giga sa Finals na ang Game 1 ay magsisimula sa Marso 14 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.