-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang Barangay Health Worker nang maturukan ng Covid 19 vaccine sa probinsya ng Cotabato.

Makilala ang Ginang na si Emelie Salimbag, residente ng Barangay Kibia Matalam North Cotabato.

Sinabi ni Florelyn Salimbag na namatay ilang araw lang matapos umanong mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang kanyang ina.

Bago mabakunahan ay may dinaramdam nang Hypertension ang kanyang ina at napansin nila ang pagbabago sa kanyang kondisyon matapos itong mabakunahan.

Nilinaw ni Salimbag na hindi nila sinisisi ang bakuna sa pagkamatay ng kanyang ina.

Tanggap na ng pamilya ang sinapit ng Ginang ngunit humihingi sila ng tulong.

Sa ngayon ay nag-iimbestiga na ang Inter-Agency Task Force on Covid-19 (IATF-Cotabato) sa pagkasawi ng BHW matapos mabakunahan.