-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kalaboso ang barangay kagawad matapos mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Barangay Bolo, Roxas City

Inaresto ng mga kasapi ng Capiz Police Provincial Office si Kagawad Jovannie Balsote matapos may magreklamo ng pagdadala niya ng baril ng walang kaukulang dokumento.

Nakuha sa posesyon ni Balsote ang .45 caliber pistol na may pitong mga bala.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang nasabing barangay kagawad.