-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang opisyal ng Barangay sa pamamaril dakong alas 6:05 nitong gabi ng Biyernes sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Kingdom Mangansakan,Barangay Kagawad ng Brgy Paido Pulangi Pikit Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatayo lamang ang biktima malapit sa kanyang sasakyan at lugar kung saan siya ikakasal ngayong araw nang bigla dumating ang dalawang hindi kilalang suspek at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungong town proper.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay ng magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Naantig naman ang mga nitizen sa kanilang nasaksihan dahil niyakap ng todo ng mapapangsawa nito ang biktima na naliligo sa kanyang sariling dugo.

Alitan sa pamilya o may kinalaman sa pagpapakasal nito ang anggulong sinusundan ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.