-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) at pulisya ang isang opisyal ng Barangay na nagbebenta ng pinagbabawal na droga sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Mervin Delvo,42 anyos,may asawa at Barangay Kagawad ng Barangay Gastav Banisilan Cotabato.

Ayon kay PDEA-12 Regional Director Aileen Lovitos na nagsagawa sila ng anti-drugs operation katuwang ang Banisilan Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Malinao sa bayan ng Banisilan.

Nang i-abot na ng suspek ang shabu sa PDEA-Asset ay doon na ito hinuli.
Nasamsam ng mga otoridad sa suspek ang limang pakete ng shabu na abot sa P4,760 ang halaga.
Ayon kay Director Lovitos, maituturing na high-value target ang si Barangay Kagawad Delvo.

Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa costudial facility ng Banisilan MPS at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.