-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang barangay kagawad matapos umanong nanlaban sa drug buy bust operations ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Wao, Lanao del Sur.

Kinilala ni PDEA-Bangsamoro region Dir. Juvenal Azurin ang nasawing suspek na si Brgy. Kagawad Larry Masid ng Brgy. Muslim Village sa nasabing bayan.

Sinabi ni Dir. Azurin na nangyari ang shootout matapos natunugan ng suspek na isang PDEA agent ang kanyang ka-transaction.

Una umanong bumunot ng kanyang baril si Masid at pinaputukan ang mga operatiba ng PDEA kasama ang ilang pulis at sundalo na nagresulta ng pagkasawi nito ng gumanti sa pagpaputok ang mga otoridad.

Napag-alaman na matagal ng minamanmanan ng PDEA at PNP ang iligal na gawain ni Masid.

Nakuha mula sa posisyon nito ang limang gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P100,000, isang .45 caliber pistol at carbine rifle.