-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang opisyal ng barangay sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dick Abas, 54 anyos, may asawa at Barangay Kagawad ng Barangay Poblacion 5 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na may binili lang umano ang biktima sa AVM Grocery wholesale and retail Store sa Jose Lim Sr Street sa lungsod, ng ito ay lapitan ng isang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy pa nilang iniimbestigahan.