CENTRAL MINDANAO-Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya sa Barangay Kagawad na pinagbabaril patay sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Alberto Tampos, 55-anyos,may asawa at Barangay kagawad ng Brgy Rosary Heights 9, Cotabato City.
Ay o n kay Cotabat o City Police Office Police Station 2 Commander Major Amil Andungan, na pinagbabaril ng riding in tyandem suspects ang biktima gamit ang kalibre.45 na pistola sa bahagi ng Governor Gutierrez Avenue sa lungsod sa harapan ng City Mall.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City Police sa pamamaril patay sa biktima.