-- Advertisements --

Nag-alok na ng P200,000 na pabuya ang mga otoridad sa Malabon para sa ikadarakip ng pumatay kay Barangay Kagawad Dante Sih.

Magugunitang pinatay si Sih ng isang gunman habang nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima.

Ayon kay Police Col. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon police, tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang ikinamatay ng biktima.

Sinabi ng ilang testigo na naglakad lamang ang salarin papalayo sa crime scene, matapos ang pamamaslang.

Inaalam na kung may kaugnayan sa politika ang nangyaring pamamaril.