-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang opisyal ng Barangay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Hayrollah Matabalao Bateg 33 anyos, binata at Barangay Kagawad ng Brgy Kalakacan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang sakay ang biktima sa minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Dalingaoen Pikit Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaslang sa biktima.