-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang opisyal ng Barangay sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jerry Masulot Brgy Kagawad ng Brgy Gokotan Pikit Cotabato.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Balatican Pikit Cotabato ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit Cotabato.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

Marami ang naniniwala na posibling may kaugnayan sa madugong engkwentro sa Barangay Gokoton ang pamamaslang sa biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa pamamaril patay sa Brgy Kagawad.