-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang opisyal ng Barangay sa siyudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Barangay Kagawad Nasser Bong Guimba,Chairman ng Peace and Order Committee sa Barangay Rosary Heights 11 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na dalawang hindi kilalang suspek ang nag-aabang umano sa biktima sa harap mismo ng kanilang Barangay Hall.

Sinita pa ni Kagawad Guimba ang mga salarin at tinanong kung sino ang kanilang kailangan.

Pagtalikod ni Guimba at akmang papasok na sa Brgy Hall ay doon na siya pinagbabaril ng mga suspek gamit ang 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga namaril sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa lungsod.

Patay on the spot si kagawad Guimba nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima.