-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang opisyal ng Barangay matapos barilin sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Parocan Luntayan Dilangalen,51 anyos,myembro ng LGBT Community at Barangay Kagawad ng Brgy Bual Sur Midsayap Cotabato.

Ayon sa ulat ng Midsayap Municipal Police Station na sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ang biktima sa bahagi ng Purok 4 Brgy Bual Sur ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Naisugod pa si Dilangalen sa isang pagamutan sa Midsayap Cotabato ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Alitan sa lupa ng pamilya ng biktima ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pangyayari na patuloy nilang iniimbestigahan.