-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Maselan ang kondisyon ng isang opisyal ng barangay nang tagain ng lasing na anak sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Cecilio Campoid Cacheco, 54, may asawa, barangay kagawad at residente ng Barangay New Leon, Aleosan, North Cotabato.

Ang suspek ay ang kanyang anak na si Charlie Cabinan Cacheco, 27, binata.

Ayon sa ulat ng Aleosan PNP na naghahanda umano ang biktima ng kanilang hapunan ng bigla dumating ang lasing na anak at tinaga ang ama gamit ang bolo.

Mabilis namang naawat ng mga kamag-anak suspek at hinuli ng mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Agad dinala ang biktima sa Aleosan District Hospital nang magtamo ng sugat sa ulo at likod.

Nag-ugat ang pananaga dahil sa personal away ng mag-ama.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Aleosan MPS at nakatakdang sampahan ng kaso.