-- Advertisements --

Barangay Kagawad Pinairal ang katarungan at pinatupad ang The Barangay Settlement Process O Republic Act 7160.

Muli na naman napatunayan ni Barangay Kagawad Ana Aquino ang paninindigan ng isang Walang kinikilingang Public Servant na itinalaga sa kanyang balikat ng kanyang mga Ka-Barangay.

Matatandaan na inakusahan ng mag asawang Marlon Pantat De Guzman ang mga kapatid ng nasabing Kagawad ng paninira ng CCTV sa kanilang bahay noong April 8, 2023, dakong pasado Alas 9:00 ng gabi na nakuhaan ng CCTV footage ang mga Kapatid ng nasabing Kagawad na sinisira ang camera sa bahay ng mag asawang De Guzman sa hindi malamang kadahilanan. Ngunit ayon sa CCTV Footage ay bago paman nila ito tuloyang nasira ay nakuhaan muna sila ng video na kanilang pagka-kilanlan.

Ang pangyayaring usapin sa kasong ito ay pinagitnaan agad ni Kagawad Ana na kapatid ng mga gumawa. Na bago pa man ipatawag ng mga Upisyal ng Barangay ang mga ito ay nangako si Kagawad Ana na hindi nya kukunsintihin ang kanyang mga Kapatid at mananaig ang Katarungan sa mga ganitong situasyon at siya ang bahalang kuma-usap sa mga ito para pagbayaran o pagdusahan ang kanilang ginawa. At pagkalipas ng halos dalawang linggo Bago matapos ang reglamentary period para sa kasong Alarm and Scandal at Malicious Mischief para tuluyan ng maisampa ang kaso sa korte ay Nagawa ni Kagawad Ana na ipairal ang naayon sa kanyang sinumpaan tungkulin sa Barangay, Ang walang kinikilingan Katarungan at hindi niya pinanigan ang kanyang mga Kapatid at pinagmulta sila sa mga bagay na kanilang sinira
para hindi na makasuhan at makarating sa korte ang Problema ng Barangay na dulot ng kanyang mga Kapatid at ito ay tinatawag sa batas na, The Barangay Settlement Process under Presidential Degree 1508 or Republic Act 7160.

Dagdag pa niya na hanggat siya ay nanatiling upisyal ng Barangay ay kahit kelan ay mananatili siya sa gitna ng Katarungan para sa kapakanan ng kanyang nasasakopan at lahat ng gagawin niya ay naayon sa Batas para ito ay ipairal na magsisilbing kanyang batayan.

Malaking tuwa naman ng mag asawang De Guzman dahil dito ay nagkasundo ang magkabilang panig at kanilang pamangkin at tuluyan ng hindi tinuloy ang kaso. At nangako sa bawat isa na hindi uulitin ang mga pangyayari na dala lamang kalasingan.

Na ang lahat ng kasinduan ay naka record sa Barangay Blotter Book”.

Si Kagawad Ana Aquino ay halos Siyam na taon ng nanunungkulan sa Barangay bilang Kagawad at dahil sa kanyang Kasipagan, Pagmamahal at Malasakit sa mga tao ay kahit kelan hindi siya natalo sa posisyon na Barangay Kagawad dahil sa makatarungan mamuno. Siya rin ay aktibo sa mga Social, Economic at Moral Forum sa kanilang Barangay lalong na pagdating sa Espiritual na gawain. Walang dudang kayang kaya niya ang mamuno ng isang Barangay bilang Kapitan kung siya ay pagbibigyan.