-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli sa Search Warrant implementation ang isang opisyal ng Barangay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na isang Moises Seniel lll,38 anyos,may asawa at Barangay Kagawad ng Brgy Malayan M’lang Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na hinalughog ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Cotabato) Police Intelligence Unit ng Cotabato Police Provincial Office, 1st CPMFC at Mlang PNP, ang mismong bahay ng Barangay kagawad.

Narekober sasuspek ang 2 medium sachets ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang ng 10 gramos at may street value ng nasa P68, 000.

Nakuha din mula sa pag iingat ng opisyal ang isang kalibre 45 na pistola,magazine at mga bala.

Nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng M’lang PNP at dinampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.