-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang opisyal ng barangay sa probinsya ng Lanao del Sur sa pamamaril.

Nakilala ang biktima na si Aksara Marohomsalic Balindong, barangay chairman ng Brgy Campo Muslim, Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay Malabang chief of police, Lieutenant Karl Vince Centinaje na nakatayo lamang ang biktima malapit sa isang money charger sa Brgy Poblacion nang biglang lapitan ng dalawang suspeks at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Malabang.

Patay on the spot si Kapitan Marohomsalic nang magtamo ito ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Nabatid na ang biktima ay nagsilbi rin bilang ABC president ng bayan ng Malabang.

Personal umanong alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.