-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Muling binulabog ng isa na namang pamamaril ang lungsod sa Butuan kung saan isang barangay kapitan ang napatay.

Nangyari ang pamamaril alas 7:00 ng gabii sa Barangay Sto.Niño, Butuan City kungsaan ang biktima ay si Kapitan Florencio “Loloy” Cagas.

Ayon kay Kagawad Jose Sawsa, nasa tindahan lang ang kapitan na hindi pa nakakauwi galing sa trabaho nang may dalawang tawo na lumapit, naka-facemask at naka jacket ang mga ito dahilang hindi makita ang pagmumukha.

May ipinakita ang mga suspek sa cellphone kung nakilala ba ito ng kapitan at pagkatapos ay isinilid na ng suspek ang cellphone sa kaniyang bag at dito na pinagbabaril ang kapitan.

Natumba ang biktima dahil sa tama ng bala habang ang suspek ay patakas na sana nang ito ay bumalik at muling pinagbabaril ang biktima.

Dito na tuluyang nakatakas ang mga suspek sakay sa iyang single motor na naghihintay lamang sa di-kalayuan sa crime scene habang ang kapitan ay daling dinala sa ospital sakay sa rescue vehicle ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon na pulisya habang ang mga tao ay blangko pa rin sa posibleng motibo sa pamamaril dahil napakabait umano sa kapitan na walang bisyo.

Napag-alamang marami ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa sunod-sunod na pamamaril sa Butuan City kungsaan ang sinundan nito ay kumitil sa buhay ng isang SK Chairman.