-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang Barangay Chairman sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ben Ilisan Kandanganan,43 anyos,may asawa at Brgy Kapitan ng Brgy Lower Paatan Kabacan North Cotabato.

Ayon kay Kabacan Chief of Police,Major Realan Mamon na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang sakahan ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Kabacan.

Agad binawian ng buhay si Kapitan Kandanganan nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.