-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang isang opisyal ng Barangay sa pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Rogelio “Tentoy” Talagtag Jr,53 anyos,may asawa at Brgy Chairman ng Barangay Basak Lebak Sultan Kudarat.

Ayon kay Lebak Chief of Police Lieutenant Colonel Julius Malcontanto na nakatayo lamang sa harap ng kanyang tindahan si Kapitan Talagtag sa Purok Beverly Hills, Barangay Basak sa bayan ng Lebak nang lapitan ng isang di kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.

Agad binawian ng buhay si Talagtag ng magtamo ng tama ng bala sa ulo at ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya sa sinapit ng biktima na tinuturing nilang mabait at walang atraso sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lebak PNP sa pamamaril patay sa biktima.