-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang kapitan matapos itong pagbabarilin sa interior na barangay sa San Antonio, Hilongos, Leyte.

Kinilala ang bikima na si Kapitan Virgilio Lucyas, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Oba-ob, station commander ng 78th IB, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nangingisda ang biktima kasama ang kaniyang hipag at bayaw nang bigla na lamang lumapit ang aabot sa tatlong mga armadong kalalakihan na may bitbit na M16 armalite rifle.

Tinanong naman nila kung sino si kapitan at matapos nito ay biglang na lamang binaril ito.

Nagtamo ng maraming tama sa katawan ang biktima.

Batay sa pamilya hindi naman daw nakatanggap ng death threat ang naturang kapitan at wala rin itong kaaway sa kanilang lugar.

Naniniwala ang mga otoridad na posibleng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagpaslang na naturang kapitan.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.