-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nagpapagaling na ang isang barangay kapitan matapos pagbabArilin ng dalawang responsable sa loob ng kanyang bahay sa P-4 Barangay. 10, Buenavista, Agusan del Norte alas-11:50 kahapon ng umaga.
Ang biktima ay si Ricky A. Mendribe, 37-anyos, barangay official at residente sa nasabing lugar.
Sa imbetisgasyon, bigla aniyang pinasok ng dalawang naka-bonnaet na kakalihan ang bahay ng kapitan at pinagbabaril ito.
Isang tama ng bala sa kanang hita ang natamo ng biktima matapos itong makatakbo sa likod ng bahagi ng kanyang bahay.
Kaagad din tumakas sa hindi malamang direksyon ang mga responsable matapos ang krimen.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabiong insident para sa pagtumbok sa identity at motibo ng mga suspek.