-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi naiwasang magpahayag ng sama ng loob ng asawa ng isang barangay official sa Barangay Maoyod sa lungsod ng Legazpi matapos ang umano’y hindi pagrespeto rito ng ilang residente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Elena Madraso, nabatid na naglilinis ang asawa nitong si Punong Barangay Romeo sa tabi ng ilog nang tapunan ng basura.

Laman umano nito ang mga plastic na tumama pa sa opisyal.

Pinalagpas lamang umano ng kaniyang asawa ang nangyari subalit nais na makausap ang hindi na pinangalanang residente.

Nanindigan rin itong kinakailangan ang pagtutulungan ng lahat upang malabanan ang mga sakit kagaya ng dengue, sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran.