-- Advertisements --

Iginiit ni P/ Col. Nicomedes Olaivar, provincial director ng Sarangani Police Provincial Office(SPPO) na tinututukan nila ang lahat ng anggulo sa imbestigasyon sa pagbaril patay kay Kapitan Tonesa Sarudin ng Barangay Mindupok, Maitum Sarangani Province.

Kabilang sa mga tinutukan ay ang personal grudge at hindi rin inaalis ang kaugnayan sa kanyang trabaho.

Sa kanyang pahayag na ginawa ng pulisya ang lahat para masolosyunan ang krimen.

Habang nagpakalat sila ng mas maraming tropa sa lugar para bantayan ang seguridad.

Matatandaan na dead on the spot si Kapitan Sarudin nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang papunta siya sa isang tindahan mula sa kanilang barangay hall.

Nabatid na si Sarudin ang pumalit sa dating unang kapitan sa kanilang lugar matapos din na pinatay.