-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Isinisisi sa pumutok na transformer ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang pagkasunog ng isang outpost sa Barangay Bitano sa lungsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Barangay Police James Madrigalejos, desk officer, nakarinig umano ng malakas na pagsabog bago mangyari ang sunog.
Dagdag pa nito na natapin ang oil mula sa nasabing transformer kaya naramdaman ang matinding init na dahilan nito.
Dahil sa insidente, napatalon ang opisyal mula sa ikalawang palapag ng gusali na dahilan upang maging malala ang pilay ng opisyal.
Matapos naman ang sunog, naabo ang barangay outpost subalit swerteng hindi nadamay ang botika sa ibaba.
Ipinagpapasalamat naman ni Madrigalejos na walang ibang nasaktan sa pangyayari.