-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pansamantalang isinara sa publiko ang Health center at Rural Health Unit ng Barangay Dadiangas West nitong lungsod kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang empleyado.

Ayon Brgy. Chairman Aying Acharon, sumailalim ngayon ang lahat ng empleyado sa quarantine matapos naka-direct contact ang isang covid positive na kanilang kasama.

Dahil dito, hindi maisagawa ng RHU at Health center ang kanilang functions.

Pinaalalahan ang mga residente na nais mag-avail ng gamot para sa kanilang maintenance o mag-avail ng medical services na tumungo sa ibang RHU o Health Center na malapit sa kanilang barangay.

Una rito, isinara rin ang Rural Health Unit ng Barangay Calumpang matapos na nagpositibo ang RHU personnel ngunit muling nagbukas matapos makumpleto ng mga empleyado ang kanilang quarantine.

Ang GenSan ay mayroon ng 635 confirmed cases sa COVID-19 kung saan 239 ang active cases.