-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Idineklara na ng lokal na pamahalaan ang state of calamity sa Barangay Beckel sa La Trinidad probinsiya ng Benguet dahil sa patuloy na epekto African swine fever (ASF) na nakaapekto sa mga alagang baboy ng mga residente.

Ayon kay Punong Barangay Gregorio Antonio ng Beckel, La Tinidad, noon pa nais na ideklara ang state of calamity sa lugar para agad maipatupad ang restoration at rehabilitasyon ng livelihood ng mga residente na apektado sa ASF.

Sinabi niya na batay pa rin ito sa rekomendasyon ng pamahalaan probinsiyal ng Benguet.

Maalalang umabot sa 200 baboy ang sadyang pinatay sa barangay matapos makumpirma na positibo sa ASF.

Nananatili namang pitong sitio sa Barangay Beckel ang apektado sa virus na siyang tinututukan ngayon ng mga otoridad.