-- Advertisements --

ROXAS CITY – Isinailalim sa semi-lockdown ang Barangay Bahit sa bayan ng Panitan, Capiz. 

Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Maria Annaliza Dorado sa interview ng Bombo Radyo Roxas.

Nagsimula na aniya ang ang semi-lockdown ng barangay noon pang Abril 1 at tatagal ng hanggang Abril 15 ,2020.

Nagdesisyon ang konseho ng barangay na isailalim sa semi-lockdown ang lugar matapos nalaman na isa sa mga manggagawa ang nagpositibo sa COVID-19  na namatay.

Sa kabila na ipinatutupad nila ang semi-lockdown ay pinasiguro ni Dorado na pahihintulutan nilang dumaan ang mga nagtatrabaho sa ospital at truck na nagde-deliver ng pagkain sa kundisyon na kailangan nilang magpakita ng barangay clearance, medical clearance at quarantine pass.