-- Advertisements --

Pinalawig pa hanggang sa Agosto 31, 2021 ang total lockdown sa Barangay Salvacion, Nueva Valencia, Guimaras dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Loren Gallarda, Head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sinabi nito na mahigit 70 na mga residente ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing barangay.

Ayon kay Gallarda, patuloy ang pagsasagawa ng checkpoint sa border ng barangay upang walang makapasok cat makalabas sa naturang lugar.

May ibinigay namang food packs ang local government unit ng Nueva Valencia sa bawat pamilya na apektado ng lockdown.