CENTRAL MINDANAO – Kahit humupa na ang engkwentro ay mainit pa rin ang sitwasyon sa mga naglalabang grupo sa probinsya ng Maguindanao.
Isinailalim na sa state of man made calamity ng mga lugar ng Brgy Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao ang kanilang komunidad dahil sa sumiklab na engkwentro ng dalawang field vommanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang napagkasunduan ng brgy council ay suportado naman ng LGU-Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal, Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at mga miyembro ng sangguniang bayan.
Maraming sibilyan ang lumikas na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Habang wala namang klase sa tatlong paaralan.
Una nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan nina Kumander Butoh Mantol at Kumander Paglas Balaumol na kapwa mga tauhan ng MILF ngunit may personal na alitan sa kanilang pamilya o rido.
Unang napaulat na tatlo na ang nasawi at 11 ang nasugatan ngunit hindi pa makompirma ng mga otoridad.
Nabigyan na rin ng paunang tulong ng LGU-Datu Montawal at provincial government ang daan-daang pamilya na lumikas sa Brgy Dungguan.
Nanawagan na rin si Mayor Datu Otho Montawal sa mga naglalabang grupo na mag-usap sa mapayapang negosasyon dahil ang mga sibilyan ang napeperwisyo sa kanilang alitan.