-- Advertisements --
mlang north cotabato

CENTRAL MINDANAO – Bawal na umano ang mga bakla at tomboy sa isang barangay sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato Barangay Chairman Kapitan Arnel Waguia, mariin nilang ipinagbabawal sa kanilang komunidad ang mga bading at tomboy.

Sa resolusyon na inaprobahan ng barangay council ng Barangay Aringay, ipinagbabawal na sa mga babae ang magsuot ng damit ng lalaki at makipagrelasyon sa kapwa nila babae.

Sa mga bakla ipinagbabawal naman ang pagsusuot ng damit ng pambabae, mag-bra at mag-lipstick.

Bawal din na makipagrelasyon ang isang bakla sa mga lalaki.

Ang sinumang lalabag sa resolusyon ng barangay council ay paparusahan at makukulong.

Dagdag ng opisyal, sa paniniwalang Islam kasi walang bakla at tomboy, dahil ang lalaki ay para lamang sa babae.

Nilinaw ng brgy kapitan na para lamang ito sa mga kapatid nilang Moro at hindi kasali ang mga Kristiyano.

Agad namang umani itong iba’t ibang mga reaksiyon mula sa mga netizens.