-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Pormal nang isinailalim sa State of Calamity ang Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato dahil sa malawakang epekto ng pagbaha dulot ng ilang araw na pagbuhos ng ulan.

Ito ang kinumpirma ni Barangay Chairman Asir Consing sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Sa ilalim ng Barangay Resolution No. 41 series of 2023, apat na mga purok at apat din na mga sitios ang apektado dahil sa pagbaha at malakas na buhos ng ulan kung saan naitala ang pagkasira ng mga daan, creek, mga pananim, hayop at pangkabuhayan ng mga residente.

Maliban dito, naitala din landslide sa mga Sitio ng Lamlikay at Saipao kung saan apektado ang livelihood projects doon.

Dagdag pa ng opisyal, nasa halos 30 mga pamilya ang lumikas at nanatili sa evacuation center, samantala ang ilan ay tumira pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.

Samantala, sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) maliban sa bayan mg Tupi ay apektado rin ang bayan ng Tantangan, Norala at lungsod ng Koronadal.

Ayon kay South Cotabato PDRRMO chief Rolly Doane Aquino, sa ngayon nagpapatuloy ang damage assessment sa mga lugar na apektado ng kalamidad sa buong lalawigan ng South Cotabato.