-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakahanda na ang buong barangay ng Mampang sa Zamboanga City sa paguwi ng Olympic Gold Medalist na si Hidalyn Diaz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Mampang Brgy. Captain Leonard Aliangan, sinabi nito na nakahanda na ang mga tarpulin na ilalagay sa mga kalsada at boundary ng kanilang barangay kasama na ang kanilang barangay hall.

Aniya, nakipagpulong umano ito sa mga purok leaders na makibahagi sa gagawing hero’s welcome kay Diaz kung uuwi ito sa kanilang tahanan sa Mampang.

Dagdagpa ng opisyal na nagagalak ito sa tagumpay ng kanilang kababayan sa parangal na kanyang nakamit sa kampanya nito para sa gintong medal sa Tokyo 2020 Olympics.