CENTRAL MINDANAO – Binawian na ng buhay ang isa sa apat na sugatan sa pananambang sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Norodin Omar, brgy secretary ng Barangay Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao.
Nasa ligtas nang kalagayan sina Safrullah Buday, barangay chairman ng Brgy Dungguan at mga kasama nito na sina Ali Baganlan at Salipada Malalag.
Ang biktima ay binawian ng buhay sa isang pagamutan sa Davao City.
Matatandaan na lulan ang mga biktima sa isang Toyota Revo pauwi na sa kanilang tahanan galing sa Madac/Badac Special meeting sa bayan ng Datu Montawal ngunit pagsapit nila sa Brgy Layog, Pagalungan, Maguindanao doon na sila tinambangan.
Hiniling ngayon ni Datu Otho Montawal Mayor Datu Otho Montawal sa mga otoridad na laliman pa ang imbestigasyon sa kaso sa pananambang sa mga biktima.