CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang opisyal ng Barangay sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Mahdi Simpal Brgy Secretary ng Brgy Malingao Shariff Aguak Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na paparada na sana ang biktima sa kanyang sasakyan sa harap ng isang botika sa Brgy Poblacion Shariff Aguak Maguindanao ng itoy biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay itim na SUV na walang plaka.
Patay on the spot si Simpal nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.
Sa ngayon ay blangko pa ang Shariff Aguak PNP sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.