-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa pagdinig ng komite nitong Martes ng hapon, napagdesisyunan na isagawa na lamang ang naturang halalan sa ikalawang Lunes ng Mayo 2023.

Magugunitang isa sa ang postponement ng barangay at SK polls sa mga binaggit na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na state of the nation address (SONA) noong Hulyo.

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isa sa mga may-akda ng panuakala, ipagpapaliban ang naturang halalan na nakatakda sana sa Mayo 2020 para mabigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang Commission on Elections.

Nitong Lunes nang banggitin ni Speaker Alan Peter Cayetano na isa sa mga pinagkuhanan ng P10 billion realigned fund sa ilalim ng 2020 proposed P4.1-trillion national budget ay ang P5 billion allocation ng barangay at SK elections.